Isang strategy game ang Kievan Rus' na nakapokus sa pagmaniobra ng politika. Dito, kasama ang digmaan sa pakikipagkalakalan.
 
Binibigyang-daan ka ng larong ito na maglaro bilang ang tagapamuno ng Kievan Rus', isa sa pinakamalakas na mga estado sa mundo sa panahong iyon. Ang Middle Ages ay isang setting na talagang kayamanan para sa sinumang fan ng strategy game. Sa laro, may 68 estado, at mga Barbaro, na may sariling teritoryo at resource. 
Gayunpaman, hindi magiging madali ang landas ng namumuno para sa dominasyon. Maghanda para sa mga nakakamatay na digmaan at mga patagong pamumulitika – haharapin ka ng pinakamalalakas na estado sa game world, kabilang ang England na nagdodomina sa mga karagatan, Balkan states (Poland, Hungary, Croatia at Serbia) at ang Arab state ng Syria, na may napakalaking army. Sa palagay mo ba napakasulong na ng Roman Empire? Malamang na mas gusto mo ang mga European state, tulad ng France at Scotland? O Byzantium ba ang iniisip mong magandang halimbawa? Ipaalam sa kanila na handa ka nang lumaban nang sabayan at buuin ang sarili mong empire, at na isa kang diktador at strategist. Ang layunin nila ay para isulong ang sarili nilang sibilisasyon habang hinahadlangan ang pagsulong ng sa iyo. Subukin ang iyong politikal na pananaw at malaman kung magaling ka sa diskarte at diplomasya – pangunahan ang bansa mo sa loob ng mahabang panahon.
Para magtagumpay, sumali sa mga digmaan laban sa mga kalaban mo. Buuin ang sarili mong army at fleet, magdeklara ng mga digmaan o magsimulang lumaban kapag nagaganap na ang mga ito. Magpadala ng mga espiya at nananabotahe sa bansa ng kalaban mo para malaman kung ano'ng gagawin nila. Lusubin ang mga estado, sakupin ang mga lupain at kunin ang mga bihirang resource.
Ang isang matalinong diktador ay susi sa tagumpay ng patakaran ng estado. I-manage ang foreign affairs, magsagawa ng mga kasunduang pangkapayapaan, at gumawa ng mga suhestyong pag-iisipan ng ibang mga estado. Tandaan na ang diplomasya at ang pinag-isipang mabuting patakaran ay madalas na mas epektibong mga opsyon kaysa sa digmaan. 
Huwag kalimutan ang tungkol sa mga aktibidad na pang-ekonomiya ng estado: gumawa ng pagkain, at gumawa ng mga sandata para sa iyong army. Gumamit ng mga pananaliksik para paramihin ang mga ginagawang produkto at kakayahang pangmilitar. Gayunpaman, hindi magagawa ng iisang sibilisasyon ang lahat ng bagay, kaya kailangan mong makipagkalakalan sa ibang mga estado at bumili ng mga bihirang resource at produkto. 
Magpakilala ng mga bagong batas at pasunurin ang mga mamamayan sa mga ito. Puwede mong itatag ang relihiyon ng sibilisasyon na gusto mo. Magtalaga ng mga commander ng army at fleet, at mga namamahala sa buwis, pakikipagkalakalan, ekonomiya at konstruksyon. Hindi pahihintulutan ang separatismo: itigil ang mga riot na nangyayari sa iyong estado. Ang iyong empire ang magiging pinakamalakas, at tutulungan ka ng diplomasya, mga sandata at ekonomiya na makamit ito. 
Gumagamit ang laro ng mga estado sa totoong buhay na umiiral noong panahong iyon, na may mga tunay na makasaysayang kaganapan. Dahil sa malaki at detalyadong mapa, makikita mo ang impormasyon tungkol sa sarili mong teritoryo at ng ibang mga bansa. Ito lang ang mga basic ng laro: malalaman mo lang kung gaano karami ang makukuha mo rito sa pamamagitan ng paglalaro nito. 
Hindi kailangan ng Internet connection sa larong ito, at puwede mo itong laruin kahit saan mo gusto. Walang nakatakdang oras para sa mga palitan: ikaw ang pipili sa bilis ng laro na gusto mo. Available sa mga smartphone at tablet ang naka-set na geopolitical strategy sa Middle Ages na may espesyal na pokus sa Slavs. Magandang paraan ito para magpalipas ng oras, dahil pinagsasama nito ang libangan at ehersisyo sa utak.
NAKA-LOCALIZE ANG LARO SA MGA SUMUSUNOD NA WIKA: English, Spanish, Ukrainian, Portuguese, French, Chinese, Russian, Turkish, Polish, German, Arabic, Italian, Japanese, Indonesian, Korean, Vietnamese, Thai.
Na-update noong
Okt 3, 2025